Nilinaw ng spokesperson ni Duterte na si Peter Laviña na ang curfew ay para lamang sa mga menor de edad.
"The curfew is principally for minors – unescorted minors – pass 10 p.m. It does not ban minors with their parents or their guardians. This is to make sure that our children are in their homes or sleeping already preparing for the next day school," - Peter Laviña
Ayon pa kay Laviña, ang dahilan ni Duterte kung bakit may liquor ban sa Davao City ay dahil sa kailangan nilang magtrabaho kinabukasan. Lahat ng mga waiters at mga staff ng mga restaurants at hotels ay kailangang magtrabaho katulad din ng mga customers. Wala daw itong kaugnayan sa paglabag sa ating kalayaan. Pwede ka naman daw uminom hanggat gusto mo pag-uwi mo, bastat nasa loob ka na ng iyong tahanan. Ang pagbabawal sa pag-inom at pagbebenta ng alak ay para lamang daw sa mga pampublikong lugar. Ang ganitong batas daw sa Davao City ay maaari ring isakatuparan sa buong bansa.
Maganda ang kanilang motibo pasa sa pagpapatupad ng batas na ito, subalit alam natin na may mga ilang tao pa rin ang hindi sasang-ayon dito. Kung kayo ang tatanungin, sang-ayon ba kayo sa Nationwide CURFEW at LIQUOR BAN?