KATAWAN NG ISANG BABAE NATAGPUANG PALUTANGLUTANG SA ISANG ILOG

Natagpuan ang isang katawan ng babae na nakatali sa loob ng isang plastic drum sa Pasig River sa likod ng Philippine Postal Corp. sa Escolta, Manila. Natagpuan ang drum ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority habang sila ay nag aalis ng mga water lily sa ilog.

Ang video sa taas ay ang actual footage ng pagrecover ng katawan ng babae.

Natagpuang walang saplot ang katawan ng biktima at nakatali ang kamay nito sa kanyang likod. Binalot ang bibig ng biktima gamit ng packaging tape at may lubid na nakapulupot sa leeg nito.
Hindi sementado ang drum na nakuha ng Philippine Coast Guard pero may mga bato na nakapaloob bilang pabigat at para na hindi lumutang. Hinihinalang biktima ng “salvage” o summary execution ang babae. Maiigi nang iniimbestigahan ng Manila Police District Homicide section ang pagpaslang.